Babala sa publiko: Ang mga psychedelic toads o palaka ay nakalalason at hindi dapat dilaan.
Ito ang babala ng US National Park Service matapos sumikat ang pagdila sa Sonoran Desert toads dahil sa umano'y "hallucinogenic high" na ibinibigay nito.
Ayon sa pag-aaral, ang Sonoran Desert toad - na lumalaki nang hanggang 7 pulgada - ay may venom o lason na 5-MeO-DMT na nagbibigay sakit at maaaring ikamatay kapag ito'y hinawakan o dilaan.
Una nang sumikat ang paggamit ng extracted toad venom sa mga underground "toad ceremonies" sa US at Mexico. Pinag-usapan din ni boxing champ Mike Tyson at podcaster Joe Rogan ang paggamit ng 5-MeO-DMT para sa umano'y layuning panterapeutika.
Hindi sinabi ng US National Park Service kung ilang tao na ang naghahanap ng "high" sa pagdila sa palaka. Nagbabala naman ang ilang siyentipiko na maaaring maging endangered species ang Sonoran Desert toad dahil sa dami ng mga taong naghahanap nito.
— Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse