PatrolPH

4 na magnanakaw ng 18-karat gintong toilet kinasuhan

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2023 07:51 AM

Kuha ni stu_spivack
Kuha ni stu_spivack

LONDON - Apat na lalaki ang nahaharap sa kaso kaugnay ng pagnanakaw ng isang 18-carat na gintong toilet na ninakaw mula sa isang English country house, sinabi ng mga tagausig noong Lunes.

Ang golden toilet na gawa ni Italian artist Maurizio Cattelan at tinawag na "America" ay ninakaw mula sa Blenheim Palace sa Woodstock, malapit sa Oxford, southern England, noong Setyembre 2019. Ayon sa British police, pumasok ang mga magnanakaw sa Blenheim Palace sa oras ng pagsasara at tinanggal ang toilet.

Ang toilet, na nagkakahalaga ng £4.8 milyon o mahigit 330 million pesos, ay isa sa mga atraksyon sa Blenheim Palace, tahanan ng mga duke ng Marlborough at lugar ng kapanganakan ng dating punong ministro ng Britain na si Winston Churchill.

Ang Crown Prosecution Service (CPS), na magpapasya kung magdadala ng mga kaso sa korte sa England at Wales, ay nagsabi na ang apat na lalaki -- nasa pagitan ng 35 at 39 -- ay haharap sa korte sa Oxford sa Nobyembre 28.

Si James Sheen, 39, ay nahaharap sa isang bilang ng pagnanakaw, isang bilang ng pagsasabwatan upang ilipat ang kriminal na ari-arian, at isang karagdagang kaso ng paglilipat ng kriminal na ari-arian.

Si Michael Jones, 38, ay nahaharap sa kasong burglary habang sina Fred Doe, 35, at Bora Guccuk, 39, ay parehong inakusahan ng conspiracy to transfer criminal property, ayon sa pahayag ng CPS.


Isinalin sa ulat ng Agence France-Presse

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.