STOCKHOLM, Sweden - Kusang bumalik ang isang nawawalang king cobra sa isang Stockholm aquarium isang linggo matapos tumakas sa kanyang enclosure.
"We got him back!" pahayag ng Skansen Aquarium ngayong Linggo.
Nakatakas ang cobra, na may pangalang Sir Hiss, noong nakaraang Linggo matapos pumuslit sa isang lamp fixture sa terrarium na pinaglipatan ng hayop. Tinawag ding Houdini ang ahas dahil sa galing nitong makatakas sa mga manghuhuli.
Isinara ang reptile section ng aquarium at linagyan ng harina at pandikit ang iba't ibang lugar upang mahuli ang king cobra na kilala bilang isa sa pinakamakamandag na ahas sa buong mundo.
Gumamit rin ng special cameras at handheld x-rays ang mga awtoridad upang mahanap ang cobra. Nakita ito na nagtatago sa isang interior wall.
Binutas ng mga opisyal ang interior wall upang mahuli ang ahas pero mabilis itong lumipat ng ibang taguan. "The clever Houdini however moved several times when we sawed open several holes to get to him," ayon sa aquarium.
Entrance ng Skansen-Akvariet zoo sa Stockholm, Sweden, 24 October 2022. EPA-EFE/Henrik Montgomery SWEDEN OUT
Nitong Sabado-Linggo, natagpuan na muli ang ahas - sa loob mismo ng enclosure kung saan ito unang tumakas. "It turned out that he had given up and crawled back to his safe and warm home."
Bukas na muli sa publiko ang reptile section ng aquarium pero "bartolina" muna si Houdini habang ito'y inoobserbahan hanggang ngayong Lunes.
Isinalin sa ulat ng Agence France-Presse
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.