Aso sa La Union, nanganak ng yellow-green na tuta

Josiah Antonio, ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2020 05:01 PM

Larawan mula kay Chona Lacsamana

MAYNILA — Nanganak ng yellow-green na tuta ang isang aso sa San Fernando, La Union nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa amo ng aso na si Chona Lacsamana, kulay puti ang dalawa at itim ang isa pang kapatid ng yellow-green na tuta.

Aniya, laking tuwa nito nang makita na ang yellow-green na tuta, kapiling ang kanyang pamilya.

“Nagulat po [ako,] kasi ilang beses na nanganak aso namin, laking gulat po namin ngayon lang mayrong green,” aniya.

Papangalan ni Lacsamana na Wasabi ang kulay yellow-green na tuta.

Isang aso naman sa Italy nitong Oktubre ang nanganak ng isang green na tuta kasama ang lima pa nitong puting anak at pinangalanan itong Pistachio.

Ayon sa isang ulat, nagiging green ang kulay ng balahibo ng tuta kapag ang isang pale-colored puppy ay na-contact sa sinapupunan ng ina sa green pigment na tinatawag na biliverdin. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.