TINGNAN: Ahas pinagkaguluhan sa MRT-Ayala station

ABS-CBN News

Posted at Oct 04 2018 03:43 PM | Updated as of Oct 04 2018 05:31 PM

 

MANILA - Napatigil ang ilang pasahero ng MRT nang makita ang isang ahas na nakapulupot sa handrails ng hagdanan sa Ayala Station nitong nakaraang Martes. 

Sa video na kuha ni Lloyd Vincent Romero, makikita ang ahas na gumagalaw-galaw ang ulo at lumalabas-labas ang dila habang kinukunan ng retrato ng mga nagulat na pasahero.

Ayon kay Romero, pauwi na siya mula sa trabaho nang makita niya ang nakapulupot na ahas mag-aalas-5 ng madaling araw bago magbukas ang MRT. 

Kinumpirma naman ng MRT management ang insidente pero inilapit anila ito ng guwadiya ng train station sa security ng Ayala Land na siyang may hurisdiksiyon sa lugar. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.