Ito ang tunay na bonggang bilangguan.
Isang dating bilangguan sa Nara, Japan ay magkakaroon ng kakaibang makeover matapos mapagdesisyunang gawin itong high-end na hotel na magbubukas sa 2026.
Ayon sa Hoshino Resorts Inc., ang makasaysayang Hoshinoya Nara Prison ay inayos upang magkaroon ng 48 guest rooms. Nakatakda sana itong buksan sa publiko ngayong 2024 pero naurong ito para magsagawa ng earthquake resistance survey.
Malapit ang dating bilangguan sa Nara Park, tahanan ng mga atraksyong panturista, kabilang ang maraming usa at ang Todai-ji temple complex.
Ginamit ito bilang kulungan matapos ang World War II bago ipasara noong 2017 dahil sa katandaan.
Isinalin sa ulat ng Kyodo
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.