Pamilya sa Capiz maling bangkay ang ipinagluksa

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2021 03:18 AM | Updated as of Sep 28 2021 02:04 PM

Isang pamilya sa bayan ng Pilar, Capiz, ang 3 araw na ibinurol at iniyakan ang hindi nila kaanak na namatay matapos magkamali ang punerarya.

Ayon sa kapatid ng nasawi, ibinurol nila ng tatlong araw at iniyakan ang inakala nilang bangkay ng namatay na miyembro ng pamilya nila.

Napansin na lang nila na iba ang hugis ng mukha ng bangkay na kanilang ibinurol sa mukha ng kanilang kaanak kaya minabuti nilang puntahan at tanungin ang punerarya.

Nang tanungin nila ang naturang funeral home sa bayan ng Balasan, Iloilo, na nagbigay ng serbisyo para sa kanilang nasawing kaanak, doon nakumpirma na maling bangkay ang dinala sa kanila.

Naiwan pa sa punerarya ang tunay na katawan ng kanilang kaanak.

Napag-alaman na taga bayan ng Lemery, Iloilo ang maling bangkay na kanilang iniyakan at ibinurol.

Kaagad naman pinalitan ng punerarya ang bangkay. Huwebes ng umaga inilibing ng pamilya ang kanilang kaanak. Balak sampahan ng kaso ng pamilya ang punerarya. — Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC