PatrolPH

Baka mag-aaral? Báka nakapasok ng silid-aralan sa Bohol

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2022 03:39 PM

Mga larawan mula kay Neneng Portrias Galaura
Mga larawan mula kay Neneng Portrias Galaura

Nagtaka ang mga mag-aaral sa Larapan Elementary School sa Jagna, Bohol dahil tila may bago silang classmate nang pumasok ang isang báka sa kanilang silid-aralan nitong Huwebes.

Ibinahagi ng gurong si Neneng Galaura ang mga larawan kung saan makikitang nambulabog ang báka sa loob ng classroom.

Nanawagan siya sa may-ari ng hayop na sana ay maging responsable para hindi na makawala ang báka.

"Be responsible kay dako kaayong disturbo kung dili ninyo huktan," ani Galaura.

(Be responsible dahil malaking distorbo 'yan kapag hindi itinali.)

Dagdag niya, malaki na ang báka at hindi na dapat hinahayaan na kung saan-saan pumupunta.

Nasa mahigit 11,000 na ang shares ng post ng guro.

—ulat ni Annie Perez

 IBA PANG ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.