Nawawalang bata, bungo na lamang ang natagpuan ng magulang

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2019 12:48 AM

Halos tatlong taon na ang lumipas nang mawala ang 8-anyos na si Bernie sa Catanauan, Quezon. Ilang buwan matapos mawala ang bata, natagpuan ang bungo nito sa isang kawayanan. 

Hindi na natagpuan pa ang iba pang labi nito. Hindi rin alam ang sanhi ng pagkamatay ng bata.

Patuloy na umaasa ang mga magulang ni Bernie na makikita pa nila ang katawan ng namatay na batang anak, kaya't ayaw pa rin nilang ipalibing ang bungo nito. 

Sa isang kahon nila itinatago ang bungo ni Bernie, sa loob ng kanilang kubo.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.