Nakitang palutang-lutang ang isang dambuhalang "sea creature" sa dalampasigan ng Maasin City, Southern Leyte nitong Huwebes, Setyembre 21.
Sa kuha ni Nujnuj Capistrano, makikita ang isang mistulang balyena na inaanod at wala nang buhay.
Sa tingin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) field officer na si Julius Alpino, balyena di umano ang natagpuang sea creature bagama't hirap siyang matukoy kung anong species dahil naaagnas na ito.
Dagdag ni Alpino, sinlaki ng jeep ang sukat ng nakitang sea creature.
-- Ulat ni Jenette Rueda, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.