Hindi lang basura o pampataba ng lupa ang dumi ng baka.
Ayon sa isang Japanese chemical manufacturing company, gumagawa sila ng liquid biomethane mula sa dumi ng baka upang magamit bilang rocket fuel.
Dagdag ng Air Water Inc., ilalagay ang naturang rocket fuel sa isang rocket na nilikha ng space startup firm na Interstellar Technologies Inc. na nakabase sa pinakahilagang isla ng Hokkaido sa Japan.
Ang Interstellar Technologies ay magsasagawa ng mga pagsubok upang kumpirmahin na ang gasolinang nilikha mula sa dumi ng baka ay magagamit para sa mga aparato nito. Layon ng kumpanyna na gamitinang naturang rocket fuel para sa "Zero" rocket na may maliit na satellite payload.
Nagsimula ang Air Water na gumawa ng likidong biomethane sa Hokkaido noong 2021. Binuburo ang dumi at ihi sa isang planta na itinayo sa dairy farm sa bayan ng Taiki bago ihatid ang nabuong biogas sa isang pabrika sa Obihiro.
Ang methane ay inihihiwalay sa produkto, pinapalamig at ginagawang likidong biomethane.
Ang mga rocket ay nangangailangan ng likidong gasolina upang makabuo ng sapat na lakas at makarating sa kalawakan.
Isinalin mula sa ulat ng Kyodo
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.