PatrolPH

Totoo ba ang mga UFO?

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2023 07:16 AM

Totoo ba ang mga UFO? 

Ayon sa isang report ng NASA, ang paghahanap ng katotohanan tungkol sa "unidentified anomalous phenomena (UAP)" ay nangangailangan ng "rigorous, evidence-based approach."

Mayroong higit sa 800 "mga kaganapan" na nakolekta sa loob ng 27 taon, kung saan dalawa hanggang limang porsyento ay naisip na posibleng maanomalya, sinabi ng mga may-akda ng ulat sa isang pulong noong Mayo.

Nagtalaga na rin ang NASA ng direktor para sa bagong programa na susubaybay sa mga misteryong lumilipad na bagay.

Panoorin ang ilang mga ulat ng ABS-CBN News tungkol sa mga umano'y UFO. 

UFO nakunan ng video ng US Navy pilot

Humarap sa media ang isang retired fighter pilot para ikuwento ang UFO na nasaksihan nila sa isang training exercise noong 2004.

Watch more News on iWantTFC

Kakaibang tunog mula sa langit

Viral sa social media ang video na nakunan ang isang kakaibang tunog sa Batangas. Pero hindi lang pala sa Pilipinas ito nangyari. 

Watch more News on iWantTFC

'UFO' namataan sa Pampanga

Noong 2015, kumalat sa social media ang mga video at larawan ng mga umano'y unidentfied flying objects o UFOs na nakunan ng ilang mga biyahero sa may Pampanga.

Watch more News on iWantTFC

Kakaibang liwanag, nakita sa Isabela, Cagayan

Usap-usapan sa social media ang matinding liwanag na nakita ng ilan sa kalangitan ng Isabela at Cagayan.

Watch more News on iWantTFC

Labi ng umano'y non-human beings sa Mexico

Ang mga labi ng mga di-umano'y "hindi tao" na nilalang ay iniharap noong Setyembre 12 sa unang pampublikong pagdinig ng kongreso sa Mexico sa Unidentified Anomalous Phenomena, na kilala rin bilang UFO.

Ang dalawang stuffed body na narekober noong 2017 sa Peru ay 700 at 1,800 years old, na may tatlong daliri lamang sa bawat kamay at pahabang ulo.

Watch more News on iWantTFC

Ano ang UAPs at may nakita na ba sa Pilipinas?

Sa tala ng PAGASA Planetarium dito sa Pilipinas, tatlo hanggang apat na reports ang natatanggap nila tungkol sa mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa kalangitan kada taon.

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.