PatrolPH

Tuko sinisi sa power interruption sa Naga City

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2022 03:05 AM

Watch more News on iWantTFC
Kuha ng Camarines Sur Electric Cooperative

Isinisi ng Camarines Sur Electric Cooperative sa tuko ang power interruption sa upper barangays ng Naga City, Martes ng gabi.

Ayon sa CASURECO II, gumapang paakyat sa poste ang tuko, at lumambitin sa bahagi ng primary line sa Bgy. Carolina, dahilan para makaranas ng patay-sinding kuryente ang mga lugar na sakop ng Feeder 51.

Naitala ang mga panandaliang brownout sa mga barangay ng Del Rosario, Cararayan, Pacol, San Isidro, Carolina at Panicuason. 

Bumalik sa normal ang supply ng kuryente sa nasambit na mga lugar nang maialis sa live wire ang namatay na tuko.—Ulat ni Jonathan Magistrado

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.