Kuha ni Mat Napo sa Unsplash
Nakatakas ang dalawang preso na kasali sa isang karera ng mga bilanggo at gwardiya sa gubat ng Paris matapos itong magpaalam na iihi lang.
Ayon sa isang source ng AFP, hindi na bumalik ang dalawang lalaki matapos magpaalam sa mga gwardiya sa gitna ng karera sa Fontainebleau forest.
Hinahanap na ngayon ang dalawa na parehong nakapiit sa Fleury-Merogis prison, ang pinakamalaking bilangguan sa buong Europa. Isa sa mga preso ay may drug offense at nakatakdang palabasin sa 2024 habang ang isa naman ay may kasong sexual assault at sexual exhibition at may sentensiya hanggang 2026.
Ang outing sa gubat sa Paris ay bahagi ng proseso para ayusin ang mga sentensiya ng mga bilanggo. Ayon sa interregional director of prison administration, nakakatulong ang programa upang di na ulit bumalik sa krimen ang ibang bilanggo.
"Fortunately, we are dealing with isolated events," ani direktor Stephane Scotto.
Ang Fleury-Merogis prison ay may 137.5 percent occupancy rate nito lang Agosto, ayon sa mga awtoridad.
Isinalin sa ulat ng Agence France-Presse
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.