Kambing na magaling mag-surfing sikat sa California

ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2023 01:03 PM | Updated as of Sep 06 2023 01:09 PM

Nagsurfing si Elizabeth French, 25, at Rebekah Abern, 41, kasama ang kambing na si Chupacabrah sa Pismo Beach, California, nitong Agosto 29, 2023. Kuha ng Agence France-Presse
Nagsurfing si Elizabeth French, 25, at Rebekah Abern, 41, kasama ang kambing na si Chupacabrah sa Pismo Beach, California, nitong Agosto 29, 2023. Kuha ng Agence France-Presse

Gusto mo bang matutong mag-surf? Sa Pismo Beach, California, isang kambing ang ginagamit na titser para sa mga taong nais matutong mag-surf. 

Unang naisip ni instructor Dana McGregor na gumamit ng kambing sa surfing dahil sa galing nitong magbalanse sa bundok, lalo na sa mga matatarik na lugar. 

"They have incredible balance. They've got those hooves that just enable them to cling to the board," aniya sa panayam ng AFP. 

Dagdag niya, bagamat marami nang aso ang natutong mag-surf at nananalo pa ng award, madalas pa rin itong mahulog sa surfboard. 

Noong 2011, kumuha si McGregor ng isang kambing para linisin ang poison oak at iba pang damo sa hardin ng kanyang nanay. 

Dapat sana ay lulutuin niya ang kambing matapos ang paglilinis. Pero napamahal kay McGregor ang kambing, na may pangalang "Goatee."

"I just got attached to her obviously and never did that," aniya.

Sa kanyang kaarawan, sinama ni McGregor si Goatee sa beach at sinubukang turuan ito na mag-surf. 

"I just experienced heaven on earth, like something supernatural just happened. I was like: 'Wow, this animal would never have that opportunity to surf.'"

Simula noon, nagsama na ng ilang kambing si McGregor para mag surf. 

Naglabas na rin siya ng YouTube videos at 2 children's books, kung kaya't nabansagan siyang isang "Goatfather." 

Para kay McGregor, na isang dating Major League Soccer player, natutuwa siya na nakakapagbigay siya ng galak sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang mga kambing at surfing. 

"People find inspiration. They're like: 'Oh, if a goat can do it, I can do it'."

Ayon kay Rebekah Abern, isang first-time surfer, nakakapagpakalma na makita kung paano magbalanse ang kambing na si Chupacabrah sa surfboard. 

"When you're first starting out, you're really focused on things like, are my feet right? Am I doing okay?" 

"But then when the goat's there, she's just confident and going with it. And you're like, alright, yeah, I'll go with it too."

Pati si McGregor ay nagugulat minsan sa kakayahan ng kanyang mga kambing. Aniya, nakikita niya ang kanyang kambing na si Pismo na patuloy mag-surf kahit nahulog na ang kanyang owner mula sa alon na may taas na 2 metro. 

Naniniwala si McGregor na balang araw, makakaya na ng kambing na mag-surf sa loob ng isang barrel wave - ang pinakamahirap na hamon para sa isang surfer. 

"A goat inside the barrel would be epic!"

Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

Watch more News on iWantTFC