Great Wall of China. Kuha ng Agence France-Presse
BEIJING — Inaresto ang 2 indibidwal sa China matapos gumamit ng excavator para gumawa ng butas sa Great Wall of China.
Ayon sa state broadcaster CCTV, inamin ng 2 suspek na ginamit nila ang excavator para butasin ang Great Wall para may shortcut at mas mapabilis ang biyahe sa lugar.
Kita sa video ng Chinese state TV ang isang maalikabok na kalsada kung saan binutas ang bahagi ng makasaysayang pader ng Tsina.
Ang Great Wall of China, na may habang mahigit 21,000 kilometro, ay ipinatayo ng Chinese emperors upang panlaban sa mga dayuhang mananakop.
Ang lugar kung saan binutas ang Great Wall ay ipinatayo noong Ming Dynasty noong 14th hanggang 17th centuries.
Ayon sa mga awtoridad, nagdulot ng "irreversible damage" ang pagbutas sa bahagi ng Great Wall.
— Isinalin sa ulat ng Agence France-Presse
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.