PatrolPH

Lalaking aksidenteng nabaril ang sarili, kinasuhan

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2022 08:03 PM | Updated as of Aug 26 2022 08:59 PM

Kuha ng Cabugao Municipal Police Station 
Kuha ng Cabugao Municipal Police Station 

Isang lalaki ang aksidenteng nabaril ang kaniyang hita sa bayan ng Cabugao, Ilocos Sur noong Miyerkoles.

Sa imbestigasyon ng PNP Cabugao, nakalabit ni Gary Sumagit ang hawak nitong baril habang nakasakay sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang pamangkin sa Barangay Margaay,.

Isang homemade rifle ang isinuko ng mga ito sa pulisya.

Nasa kustodiya ng pulisya si Jester Sajor habang nagpapagaling pa sa ospital si Gary.

Nasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

-Ulat ni Dianne Dy

MULA SA ARKIBO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.