PatrolPH

Influencer na sumabak sa 'Ligo Challenge,' pinaiimbestigahan ng LTO Davao

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2022 07:27 PM

Ikinasa ng Land Transportation Office (LTO) Region XI at Highway Patrol Group XI ang imbestigasyon sa isang influencer na gumawa ng "Ligo Challenge" kamakailan sa social media.

Ayon sa LTO XI, nagpadala sila ng team sa bahay ng isang social media influencer na taga-Tagum City, Davao del Norte para mag-imbestiga.

Sa social media post, pinapaliguan ito ng angkas habang nagmamaneho ang influencer ng kanyang motorsiklo, ayon sa LTO XI.

Pinuntahan ng LTO investigation team kung saan nangyari ang video shoot at kinuha ang lokasyon nito. 

Pinagpapaliwanag din ito sa insidente.

Ayon sa LTO, humingi na rin ng dispensa sa kanila ang influencer.

"I want to settle it privately muna as of now. Tatapusin ko muna lahat privately before mag post ng anything about it. I’m really willing to face any consequences about my actions kaya nakipag-cooperate ako sa mga HPG and LTO," ayon sa Facebook post ng influencer.

Haharap sa sanctions ang nasabing influencer, ayon sa LTO XI.

—ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.