Kuha ni Daniel Lincoln
Gabi nang pumasok sila sa sa isang Japanese ninja museum; walang nakapansin at walang nakaalam na naroon sila. Makalipas ang ilang sandali, natangay na ang isang strongbox na puno ng salapi.
Sa gitna ng dilim tinangay ng mga kawatan ang 150-kilong kahang bakal na naglalaman ng nasa $9,500 (nasa P461,000) na nakalap na admission fees sa Iga-ryu Ninja Museum sa siyudad ng Iga, central Japan.
Tampok sa naturang museum ang mga alamat ng mga ninja, mga martial art master na kilala sa pagiging maliksi at masikreto.
Napag-alaman ng mga awtoridad na ahimik na nabuksan ng mga kawatan ang pinto ng museo gamit ang crowbar, ayon sa Kyodo News agency.
Naglalaman ng admission fees mula sa 1,100 weekend visitors ang ninakaw na safe, dagdag ng Asahi Shimbun daily.
Makikita sa museo ang isang traditional ninja house. May alok din ditong mga interactive experience, kung saan tinturuan ang mga panauhin ng ninja skills, gaya ng pagtapon ng star-shaped weapons. Makakanood din sila ng mga ninja show.
Nasa Iga ang isa sa dalawang pinakasikat na ninja clans.
Binuksan sa siyudad ang pinakaunang research center para sa ninja noong 2017 sa Mie University. Noong 2018, nagbukas sila ng graduate course tungkol dito.
— Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, ninja museum, Japan, Japan museum, kaha, pera, odd news, classified odd, odd stories, crowbar