PatrolPH

Magnanakaw timbog matapos mahulog sa balon

Diana Lat, ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2018 05:46 PM

CUYO, Palawan - Timbog ang isang magnanakaw matapos mahulog sa balon sa Barangay Lagaoriao dito noong Lunes.

Kuwento ng biktimang si Arniel Aranding Sumicad, nakarinig siya ng sumisigaw ng "tulong!" sa labas ng kaniyang bahay noong Lunes ng tanghali.

Laking gulat na lamang ni Sumicad nang makita ang suspek na si Orland Udtohan Palarion, 24, na nahulog na sa balon dala ang mga ninakaw na gamit mula sa kaniya.

Agad na tinawagan ni Sumicad ang kapitan ng kanilang barangay upang humingi ng tulong at kalaunan ay dinala rin ang suspek sa istasyon ng pulis.

Pansamantalang nasa kustodiya ng Cuyo Police ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.