70 anyos na lalaking ooperahan ang pantog, aksidenteng natuli

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2019 11:24 AM

Laking gulat ng isang Briton na dapat sana'y ooperahan lang sa pantog nang malaman na siya'y tinuli nang kanyang doktor sa Leicester Royal Infirmary sa Leicester, United Kingdom.

Isinisi ang insidente sa pagkakahalo ng hospital staff sa mga dokumento ng pasyente na si Terry Brazier, 70 anyos.

Kuwento ni Brazier sa pahayagang Daily Star, dapat magpapa-cystoscopy siya para makontrol ang pagdaloy ng kaniyang ihi. Dito, tuturukan ng botox ang kaniyang pantog at idadaan ang karayom sa kaniyang ari.

"I went in the surgery for some Botox and they ended up circumcising me," ani Brazier.

Aminado naman si Brazier na masyado siyang naging abala sa pakikipagdaldalan sa mga trabahador sa ospital.

"They didn’t know what to say when they found out they’d done it. They said they can’t send me back to the ward and they needed to talk to me," aniya.

Humingi naman nang paumanhin ang direktor ng ospital na si Andrew Furlong sa nangyari.

“We remain deeply and genuinely sorry that this mistake occurred, and I would like to take this opportunity to once again apologize to Mr. Brazier,” ani Furlong sa pahayagan.

“We take events like this very seriously and carried out a thorough investigation at the time to ensure that we learned from this incident and do all we can to avoid it happening again."

Binayaran din si Brazier nang $24,000 o P1.2 milyon dahil sa pangyayari.

“Whilst money can never undo what happened, we hope this payment provides some compensation," ani Furlong.

-- Isinalin mula sa ulat ng The Guardian

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.