Buntis pala: Lalaking atleta suspendido nang gamitin ang ihi ng nobya sa drug test

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2019 11:19 AM

MAYNILA - Sinuspinde ng FIBA ang Euroleague player na si D.J. Cooper nang gamitin umano ang ihi ng kaniyang nobya bilang sample sa drug test.

Ito ay matapos madeklarang positibo ang sample ng urine na binigay niya sa pagkabuntis, ayon sa ulat ng Eurohoops.net.

Ginawa ang drug test kay Cooper bilang kalipikasyan ng pagpasok niya sa national team ng Bosnia bilang naturalized player.

Ayon sa resulta ng test, naglalaman umano ng hormone na human chorionic gonadotropin (hCG) ang sample ng ihi na isinumite ni Cooper.

Gawa ang hormone sa placenta ng bata sa sinapupunan ng ina.

Ayon pa sa ulat, hindi pa alam ng kaniyang nobya na buntis na pala siya.

Dalawang taong susupindehin si Cooper sa akusasyong fraud.

-- Isinalin mula sa ulat ng Yahoo! Sports

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.