PatrolPH

Mga pusa sa Antique, pinalaro ng pabitin

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2022 09:05 PM

Watch more News on iWantTFC

Kinagiliwan ang mga cute na reaksyon ng mga pusa nang paglaruin ang mga ito ng pabitin sa Antique.

Game na game ang mga ito sa pag-aagawan ng karne ng baboy.

Ayon kay Dr. April Djemila Cordero Pido, bigla na lang niyang naisipang magpalaro at laking tuwa nito sa kinalabasan.

Aniya, lahat ng mga pusang sumali sa pabitin ay mga alaga nila. May iba raw na hindi nakasama dahil tulog o naglalakwatsa ang mga ito.

Naging cat lover si Pido noong nagsimula ang pandemya, sabi niya. Binuksan raw niya ang kanilang tahanan sa lahat ng mga pusang napapadpad doon.

— Ulat ni Dianne Dy

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.