144 na talampakang kakanin, inihanda sa Santiago City

Darlene Gemino Ballad, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 08:06 PM | Updated as of Jul 26 2019 01:32 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

SANTIAGO CITY—Isang 144 na talampakang kakanin ang inihanda para sa mga residente at turista sa lungsod na ito Huwebes.

Ang napakahabang kakanin na tinatawag na inandila ay may lapad na 2.5 inches at kapal na 1 inch.

Para mabuo ang mahabang kakanin, kinailangang gumamit ng isa't kalahating kaban ng malagkit, 60 pirasong niyog, 40 panutsa at 6 na kilong asukal, sabi ni Matilde Bayaua, presidente ng Naturales Santiago City Inc.

"Ang longest inandila signifies unity," sabi ni Bayaua.

Nilantakan ng mga residente ang panghimagas, habang ikinatuwa naman ng ilang bisita ang masarap na lasa nito.

"It's wonderful. Thank you very much for sharing. It's my first time to see it," sabi ni Randy, isang turista galing Canada.

Ang mahabang inandila ay ginawa ng mga naturales, isang grupo ng mga tribong Gadang, Ybanag, Yogad at Ytawes na naninirahan dito sa lungsod.

Sa susunod na taon ay balak nilang maghain ng mas mahabang inandila para matikman ito ng mas marami pang bisita.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.