PatrolPH

Ahas dahilan ng brownout sa ilang bahagi ng CamSur

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2022 08:50 PM

Isang ahas ang nagdulot umano ng brownout sa ilang bahagi ng Camarines Sur nitong Biyernes, Hulyo 22, 2022. Kuha ng CASURECO
Isang ahas ang nagdulot umano ng brownout sa ilang bahagi ng Camarines Sur nitong Biyernes, Hulyo 22, 2022. Kuha ng CASURECO

Nakaranas ng higit 3 oras na brownout Biyernes ng umaga ang ilang bahagi ng Camarines Sur dahil sa isang ahas na natagpuan sa itaas ng isang poste.

Sa pahayag ng Camarines Sur Electric Cooperative, gumapang ang ahas, na may higit 2-metrong haba, paitaas sa primary line sa Brgy. Malaguico sa bayan ng Sipocot kaya nagka-aberya ang daloy ng kuryente.

Nasa 15 barangay sa Sipocot at sa bayan ng Lupi na sakop ng linya nito ang naapektohan.

Ibinaba ng linemen ang patay na ahas mula sa poste at naibalik ang suppy ng kuryente sa mga apektadong lugar bago mag-tanghali.—Ulat ni Jonathan Magistrado

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.