PatrolPH

Tutang nakatihayang matulog, kinagiliwan

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2022 10:59 AM

Watch more News on iWantTFC
Video courtesy of Fiona Beyonce

Nakatihaya ang paboritong posisyong matulog ng tutang si Rain mula sa Barangay Pulung Maragul, Angeles City, Pampanga.

Ayon sa kanyang amo na si Fiona Beyonce, nagulat sila sa klase ng pagtulog nito at kapag nakatihaya mas mahimbing ang kanyang tulog.

Sa likod ng cute na tuta, may nakatagong kwento ito na naantig ang puso ng mga netizens.

Pinangalanang itong Rain dahil nang mapulot ito ng kanyang amo ay malakas noon ang ulan. Nakita ito sa isang kanal na umiiyak at inaanod ng tubig nitong linggo, July 17.

Ang tuta ay tinatayang nasa dalawang buwang edad pa lamang.

Si Rain ang pangatlong aso ni Fiona, masarap umano ang may alagang aso dahil nakakawala ng pagod at nawawala din ang kanyang anxiety.

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.