Cake pala! Mga cake na mukhang tsinelas, tissue paper patok sa social media

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2020 01:42 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RED ROSE CAKE & TUBA GEÇKİL (@redrosecake_tubageckil) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RED ROSE CAKE & TUBA GEÇKİL (@redrosecake_tubageckil) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RED ROSE CAKE & TUBA GEÇKİL (@redrosecake_tubageckil) on

 

Sa unang sulyap, aakalaing tsinelas ang ipinalalabas sa video. 

Pero gamit ang kutsilyo, mabubulaga na lang ang manonood na cake pala ito. 

Kinaaaliwan ngayon ng mga netizen sa social media ang paghiwa sa mga cake na dinisenyo para magmukhang mga pangkaraniwang bagay. 

Nagsimulang mag-viral ang video sa Twitter account ng food content platform na Tasty, na nag-repost ng video ng cake artist na gumagawa ng mga cake na mukhang mga ordinaryong bagay na nakikita sa bahay gaya ng mga laruan, tissue paper, bola, at mga bag. 

May ilan ding mga cake na sa unang tingin ay mukhang pizza, saging, o kaya steak. Magugulat na lang ang manonood na cake pala ito kapag nahati na ang mga ito gamit ang kutsilyo. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RED ROSE CAKE & TUBA GEÇKİL (@redrosecake_tubageckil) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RED ROSE CAKE & TUBA GEÇKİL (@redrosecake_tubageckil) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RED ROSE CAKE & TUBA GEÇKİL (@redrosecake_tubageckil) on

Umani ng iba't ibang reaksiyon sa mga netizen ang mga naturang video. 

Ang karamihan, bagama't naaaliw, ginawang katatawanan ang video sa birong baka ang lahat ng nakikita nila ay cake pala. 

"We are all cakes," sabi ng ibang netizens sa ilalim ng post ng Tasty, na nagbibiro na baka ang kanilang mga mahal sa buhay o mga nakakasalamuha ay mga cake pala kapag hinati gamit ang kutsilyo. 

Bilang biro, may ilan ding netizens na nagtangkang hatiin ang mga gamit nila sa bahay gaya ng mga tsinelas at mga tissue paper, gaya ng mga hiniwa sa video, bilang pagbibigay-katatawanan sa nakita umano nilang mga ilusyon. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.