PatrolPH

TINGNAN: Biik, ipinanganak na may 2 ulo sa Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2021 12:04 PM

TINGNAN: Biik, ipinanganak na may 2 ulo sa Cotabato 1
Higit isang araw lamang ang itinagal ng buhay ng biik na ipinanganak na may dalawang ulo sa Mlang, Cotabato. Larawan mula kay Eloisa Fame Baliguat

Isang biik na may dalawang ulo ang ipinanganak noong Hulyo 6 sa Barangay Bialong sa bayan ng M'lang sa Cotabato.

Ayon sa pamilya ni Eloisa Fame Baliguat, sa 10 biik na iniluwal ng kanilang inahing baboy, isa rito ang may dalawang ulo.

Pero nanghinayang sila dahil higit isang araw lang ang nakalipas ay namatay din ang hindi pangkaraniwang biik.

Naobserbahan na nila ang biik na tila nahihirapang huminga at matamlay.

Sinubukan pa nilang ilapit sa inahing baboy, pero hindi ito dumedede.

Sa tatlong taon nilang pag-aalaga ng baboy, ay unang pagkakataon pa nilang nakaranas na nagkaroon sila ng biik na may dalawang ulo.

- Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.