TINGNAN: Higanteng tilapia nabingwit sa estero sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2019 05:54 PM | Updated as of Jul 14 2019 02:21 AM

MAYNILA—Isang dambuhalang tilapia ang nabingwit ng mga volunteer ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa Estero de San Miguel noong Miyerkoles.

 

Ayon sa Facebook page ng PRRC, may timbang na 3 kilo at sukat na 20.5 na pulgada ang tilapia, na nasungkit ng PRRC River Warriors. 

Sabi ng ahensiya, isang positibong senyales at maaari pang magtuloy-tuloy kung pangangalagaan lang ang kapaligiran.

"Tunay ngang nakikita na natin ang positibong pagbabago ng ating mga ilog dahil sa pagtutulungan natin na buhayin at pangalagaan ang mga ito. Ipagpatuloy natin ang mga mabubuting gawain na ito at tiyak na bibiyayaan tayo ng ating kalikasan," ayon sa Facebook page ng PRRC.

Gayunpaman, nauna nang nagbabala ang mga eksperto na delikadong kainin ang mga nahuhuling tilapia mula sa Ilog Pasig at mga esterong dinadaluyan nito. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.