PatrolPH

VIRAL: Magkakaibigan nagdala ng talyasi ng kanin sa fast food

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2022 12:54 PM | Updated as of Jul 10 2022 03:20 PM

Nakatuwaan sa social media ang video ng mga magkakaibigan mula San Leonardo, Nueva Ecija na nagdala ng talyasi na may lamang sinaing na kanin sa isang fast food restaurant. Screenshot mula sa video ni Tantan Castillo Nagaño

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang video ng magkakaibigan na nagdala ng talyasi na may lamang sinaing na kanin sa isang fast food restaurant sa San Leonardo, Nueva Ecija.

Ayon sa isa sa mga nasa video na si Tantan Castillo Nagaño, nagdala silang magkakaibigan ng kanin dahil gutom at kulang sa budget.

Nasa higit P30 kasi umano ang extra rice sa nasabing kainan.

Nagpasalamat naman ang magkakaibigan dahil pinayagan silang ipasok sa restaurant ang kanin.

Sa ngayon, pumalo na sa 1.9 milyon ang views ng video.

— Ulat ni Dianne Dy 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.