PatrolPH

Baka na may 2 ulo ipinanganak sa Antique

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2022 10:13 PM

Kuha ni Rita Canja Tompong
Kuha ni Rita Canja Tompong

Isang baka na may dalawang ulo ang ipinanganak sa bayan ng Valderrama, Antique nitong Martes.

Laking gulat ng may-ari at ng mga residente sa Brgy. Lublub sa Valderrama na dalawa ang ulo ng sanggol na baka.

Sinubukan pa ng may-ari ng baka na si Rodolfo Saludares na maisalba ang anak ng kaniyang inahing baka pero nabigo ito at namatay ang bagong panganak na baka.

Ayon kay Rita Canja Tompong, na nagbahagi ng mga litrato, nahirapan umano na ilabas ng inahing baka ang anak nito at hindi na nakatayo kaya minabuti ng may-ari na buksan ang tiyan ng inahing baka para tangkain iligtas ito.

Namangha umano sila dahil ngayon lang sila nakakita ng baka na dalawa ang ulo.

Ibinenta na lang ng may-ari ang karne ng inahing baka sa mga residente sa lugar habang inilibing nito ang bagong panganak na baka.—Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.