PatrolPH

Kape at kabaong: Tingnan ang kakaibang setup ng coffee shop na ito sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2021 01:54 PM

Watch more on iWantTFC

Kadalasan ay magagandang view ang alok ng mga coffee shop sa mga coffee lover pero sa isang establisimyento sa Bacolod City, ataul ang katabi ng kostumer sa pagkakape o kaya'y sa mismong ataul sila uupo.

Coffin Break ang pangalan ng coffee shop na matatagpuan sa likod ng isang funeral parlor at harap ng emergency entrance ng isang ospital.

Ayon sa empleyado ng Coffin Break, funeral parlor ang negosyo ng pamilya ng may-ari ng coffee shop.

Dahil mahilig sa kape ang anak, naisip umano nitong magtayo ng sariling coffee shop gamit ang mga ginagawa nilang ataul.

Halos 3 buwan pa lang ang negosyo pero ikinagulat umano ng may-ari na mainit ang pagtanggap sa kanila ng mga kostumer.

— Ulat ni Romeo Subaldo

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.