TINGNAN: Ilang 'Pikachu' nag-rally kontra paggamit ng coal sa enerhiya

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2019 01:25 PM

Nagprotesta nitong umaga ng Martes ang ilang environmental activists sa harap ng Japanese Embassy sa Pasay suot ang mascot ng Pokemon na si Pikachu.

Nagsayawan at nagwagayway ng mga watawat ang mga tagaprotesta ng 350.org sa harap ng embahada.

Dito nila ipanawagan sa Japan na huwag pondohan ang paggamit ng coal sa enerhiya.

Si Pikachu ay isang electric-type na Pokemon ng Japanese anime/video game series sa parehong pangalan.

Itinuturo ng ilan bilang "carbon major" o sanhi ng pagdami ng carbon sa hangin ang paggamit ng coal bilang enerhiya.

-- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.