TINGNAN: Mga aso pawang sumunod sa physical distancing habang natutulog

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2020 01:08 AM

BADOC, Ilocos Norte--Phyisical distancing ba kamo? Kayang-kaya iyan ng mga aso sa bayang ito.

Sa kuha ni Jade Cezar Raquel, makikitang naka-distansiya ang ilang aso habang natutulog ang mga ito sa gilid ng Minor Basilica of St John the Baptist sa bayang ito.

Kuha ni Jade Cezar Raquel

Napamangha ang mga nakakita sa mistulang disiplinang ipinakita ng mga aso.

Isa ang physical distancing sa mga polisiya na ipinapatupad sa lahat ng bansa para maiwasanng mahawa ang publiko sa novel coronavirus, na mabilis kumalat.

Nagtala na ng 26,781 na kaso ng coronavirus ang Pilipinas, at 1,103 sa mga ito ang namatay habang 6,552 naman ang nakarekober.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.