Mga kawatan sa South Africa binutas ang sahig para sa 'liquor heist' habang lockdown

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 05:54 PM

Mula sa official website ng Shoprite

JOHANNESBURG, South Africa - Dumaan sa mga tunnel at binutas ng mga salarin ang sahig para makapasok sa isang supermarket at magnakaw ng libo-libong dolyar na halaga ng alak ilang araw bago alisin ang liquor ban sa siyudad na ito, ayon sa pulisya. 

Aabot sa $17,000 halaga ng whisky, brandy, gin, vodka, at beer ang nilimas ng mga suspek sa Shoprite supermarket sa siyudad. 

Nadiskubre ng mga empleyado ng supermarket ang pagnanakaw nang simulan nilang paghandaan ang pagbubukas ng kanilang tindahan. 

Nagpataw ng liquor ban ang South Africa kasabay ng kanilang lockdown noong Marso 27. 

Isinagawa ito para mabawasan ang tao sa mga emergency ward at ang bilang ng domestic violence cases sa bansa. 

"They discovered a big hole on the floor next to (a) fridge where it is suspected that suspects might have gained entry from tunnels underneath," ayon kay police spokesman Kay Makhubela sa isang pahayag. 

Nasa loob ng isang shopping mall ang tindahan, at mahigpit ang seguridad sa paligid nito. 

"But the suspects avoided the mall's main entrance and instead used electrical and storm water tunnels beneath the shopping center to gain access to an area beneath the store," ayon sa Shoprite sa isang pahayag. 

"They then tunnelled through the solid concrete floor directly into the liquor shop to gain access undetected. 

"It is unclear how the thieves knew where to tunnel, nor how long it took them to get through the thick concrete floor, but they returned a few times to steal a large amount of stock," dagdag nila. 

Unang pumasok umano ang mga magnanakaw noong Mayo 21. 

— Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.