Kandidato sa Leyte, nanalong punong barangay dahil sa 'draw lots'

Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

Posted at May 16 2018 05:08 PM

Nagbunyi ang kampo ni Judy Trinidad matapos siyang manalo bilang barangay chairman dahil sa draw lots. ABS-CBN News

TACLOBAN, Leyte - Dalawang kandidato ng Barangay 52 sa lungsod na ito ang nagtabla sa bilang ng boto sa Barangay at Sanggunian Kabataan elections. 

Nitong Martes ng umaga, nagsagawa ng draw lots para malaman kung sino sa kanila ang idedeklarang nanalo. 

Inangalan ito ng kandidatong si Noel Martinez, incumbent chairman, pero pumayag rin siya matapos makumbinsi ng regional director ng Commission on Elections-Eastern Visayas na si Jose Nick Mendros. 

Nanalo rito ang kalaban ni Martinez na si Judy Trinidad. 

Nagbunyi ang kampo ni Judy Trinidad matapos siyang manalo bilang barangay chairman dahil sa draw lots. ABS-CBN News

Tinanggap naman ni Martinez ang kaniyang pagkatalo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.