PatrolPH

VIRAL: Spiderman na nagbibisikleta, naaksidente

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at May 12 2022 06:21 PM

Watch more News on iWantTFC

Viral sa social media ang video ng isang lalaking nag-ala Spiderman at nagbibisikleta sa highway sa Panabo City, Davao del Norte noong Lunes. 

Habang kumakaway at nagfa-flying kiss kasi ito kay Melanie Galla, na kumukuha ng video sa loob ng isang sasakyan, bumangga ito sa kasunod na jeep.

"Kumakaway siya sa amin nang mapansin niyang nagvi-video ako sa kanya, hanggang sa hindi niya namalayan na bumagal pala ang sinusundan niyang jeep at nabangga siya," ani Melanie.

Hindi naman napuruhan si "Spiderman" at walang mga sugat na tinamo dahil mabagal lang ang kanyang takbo, sabi ni Melanie.

"Na-contact namin si Spiderman at okay lang siya. Wala siyang mga sugat sa katawan."

Umani na ng higit 6 milyon na views sa Facebook ang video ni Melanie.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.