PatrolPH

Councilor candidate panalo matapos makalamang ng 1 boto sa kalaban

ABS-CBN News

Posted at May 12 2022 11:17 PM

Isang boto lang ang lamang ng kandidato sa pagkakonsehal para maging councilor-elect sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur.

Nakuha ni Vanjune Napao ang ika-walong pwesto matapos itong makakuha ng 12,333 votes nitong Halalan 2022, habang ang karibal nitong si Carlito Tandog naman ay nakakuha ng 12,332 votes.

vote

Kabilang si Napao sa Team Gugma ng nasabing bayan na pinangunahan ni mayor-elect Grace Carmel Paredes-Bravo at dating councilor na ngayo'y vice mayor Elect Arth Ryan Palabrica. 

Tinalo ni Bravo at Palabrica ang re-electionist na sina incumbent Mayor Solomon Rufila at Vice Mayor Bernardino Ursos.

Sa Facebook post ni Napao, nagpasalamat siya sa Panginoon at sa mga residente ng San Francisco na nagtiwala at sumuporta sa kaniyang pagtakbo.

Martes ng hapon nang maiproklama ang mga bagong halal na kandidato sa nasabing bayan.—Ulat ni Lorilly Charmane Awitan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.