PatrolPH

Tipak ng karneng baboy, prutas, gulay ipinang-giveaway sa kasal sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2023 01:44 PM

Watch more News on iWantTFC

Kinagiliwan sa social media ang ginawa ng bagong kasal sa Batangas matapos nilang ipang-giveaway ang tipak ng baboy, prutas, gulay, wine, mga sangkap, at iba.

Ayon kina Bel Banaag-Dalwampo at Syjay Dalwampo, nais lang nilang ipagpatuloy ang "sabit" o "dulot" tradition sa Batangas.

Kuwento ng mag-asawa, nagbayanihan ang kanilang kaanak para tulungan sila sa paghahanda sa mga giveaway na ipamimigay sa kanilang ninong at ninang sa kasal.

Umabot anila sa 6 baboy ang kinatay para sa tradisyon.

— TeleRadyo, Abril 27, 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.