PatrolPH

Tulak na bumili ng 27 kg ng meth, nakatakas

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2023 06:00 AM

File photo mula sa Riverside County Sheriff Facebook page.
File photo mula sa Riverside County Sheriff Facebook page.

LOS ANGELES—Napahiya ang ilang pulis sa Los Angeles matapos sila magbenta umano ng pinagbabawal na meth sa isang tulak, na nakawala matapos ang sting operation.

Ayon sa mga awtoridad, ilang undercover sheriffs deputies sa Riverside County ang nagbenta ng nasa 27 kilo ng naturang ilegal na droga sa tulak para makakuha ng ebidensiya at mahuli ang kanilang target. 

Pero nang matapos ang transaksyon, hindi na umano tumambay ang suspek at umalis.
 
"After the transaction, the suspect drove away and deputies from the Gang Task Force attempted a vehicle stop," saad ng press release ng Riverside County Sheriff.

"The suspect failed to yield, and a pursuit was initiated. Due to the high speeds and suspect’s disregard for public safety, deputies lost sight of the vehicle."

Ayon sa ulat ng Los Angeles Times, sinabi ng natalong sheriff candidate na si Michael Lujan, isang dating captain ng departamento, na narinig niya na nasa $35,000 ang halaga ng kontrabando.

"Why would you let someone get in their vehicle, I don't know," aniya.

"It is pretty embarrassing. It’s unfortunate because now we have additional narcotics out on the street."—Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.