PatrolPH

Nakasabit na akala'y ibon o bayawak sa isang puno sa Poland, tinapay pala

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2021 12:30 PM

Nagulantang ang mga animal welfare inspector sa Poland nang malamang ang inakalang mapanganib na hayop na nakasabit sa isang puno sa Warsaw ay tinapay pala.

Sa isang Facebook post ng Krakow Animal Welfare Society, sinabi nitong nakatanggap ang kanilang grupo ng tawag mula sa isang residente hinggil sa pinaghihinalaang mapanganib na hayop na nakasabit sa puno.

“It’s been sitting in a tree across the house for two days! People aren’t opening their windows because they’re afraid it will go to their house,” sabi umano ng tumawag sa kanila. 

 

“It’s brown, it’s sitting in a tree,” dagdag pa niya. 

Noong una ay inisip ng animal welfare worker na ibon ang hayop, pero sinabi ng tumawag na mukhang iguana (bayawak) umano ito. Bagaman, noong una ay tinawag pa niya itong “lagoon” dahil hindi niya mailarawan kung ano ang tawag dito. 

Gayunman, binisita ng mga inspector ang lugar at nakita ang pinaghihinalaang hayop sa isang puno - wala umano itong ulo o kaya paa. 

Iyon pala, croissant - o isang uri ng tinapay - ang nakasabit sa puno.

"We already knew that we could not help this creature... The mysterious 'lagoon'... turned out to be a croissant,” ayon sa grupo. 

Sa kabila ng pangyayari, umaasa ang grupo na hindi madismaya o mawalan ng kumpiyansa ang publiko na i-report ang anumang animal welfare concern. Ilan sa mga natatanggap na tawag nila ay tungkol sa mga naaabandonang pusa, aso, at maging isda. 

-- Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse 

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.