Photo by Michael Fousert on Unsplash
Nasagip ang isang Norwegian national na sinubukang lusutan ang kanilang quarantine protocols sa pag-ski sa mga kabundukan pabalik ng Sweden.
Ayon sa rescue team na nanguna sa operasyon, pumunta ng Norway ang 50 anyos na lalaki para makakuha ng ilang dokumento para sa kaniyang construction project sa Sweden.
Pero para lusutan umano ang quarantine border, sinubukan umano ng lalaki na dumaan sa mga kabundukan.
"He wanted to return to Norway to get hold of some documents, and then go back into Sweden, where he has a construction project on the go," ani Trond Helge Ronning ng rescue group Norske Folkehjelp sa AFP.
"But to avoid the quarantine he decided to cross the border over the mountains," dagdag niya.
Aabot sa 40 kilometro ang kailangang lakbayin ng lalaki. Pero nang makalakbay ng 25 kilometro, inabutan na siya nang masamang panahon.
Sinagip siya ng isang local reindeer breeder at inabot siya sa dalawang mangingisda sa kalapit na lawa. Binantayan siya ng mga mangingisda hangga’t sa dumating ang rescue team.
"He was soaked through and he was cold," ayon sa rescue worker, na sinabi ring tila naiirita ang lalaki nang masagip siya.
Inalagaan ng rescue team ang lalaki bago ipadala sa pulisya sa paglabag sa quarantine protocols.
Ayon sa pulisya, dapat makapagpresenta ng negatibong COVID-19 test ang lalaki bago makalusot, at makapag-quarantine nang 10 araw sa isang hotel.
Iinterviewhin ng pulisya ang lalaki matapos ang kaniyang quarantine.
— Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse
Norway, Norwegian, ski, quarantine, Swedish, overseas, overseas news, border, bundok, mountain, quarantine protocols, COVID-19,coronavirus