Dahil gustong bumili ng yosi, lalaki umiwas sa quarantine checkpoint, naligaw sa bundok

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2020 01:04 PM

TOULOUSE, France - Minultahan sa paglabag ng anti-coronavirus quarantine ang isang lalaki sa France na nagawa pang umakyat ng bundok para lang makabili ng sigarilyo sa bansang Spain. 

Una umanong gumamit ng kotse ang lalaki noong Sabado para bumiyahe mula Perpignan sa Southern France hanggang La Jonquera sa bansang Spain pero pinigilan ito sa checkpoint. 

Dahil dito, napagdesisyunan umano ng lalaki na maglakad at akyatin ang bulubundukin na pumapagitna sa dalawang bansa. 

Kalauna’y nawala ang lalaki at kinailangan pang sagipin ng awtoridad, ayon sa pulisya. 

"He fell into a stream, in brambles, got lost and ended up contacting" ayon sa mountain unit ng Pyrenees-Orientales sa isang tweet. 

Nagpadala ng helicopter ang lalaki na umano’y pagod at nilalamig.

Matapos masagip, minultahan ng 135 euros (mahigit-kumulang P7,400) ang lalaki sa paglabag sa quarantine protocol. 

Maaari lang kasi lumabas ang mga residente kung importante ang lakad. 

"We remind you once more. STAY AT HOME," paalala pa ng mga awtoridad sa tweet. 

Marami umanong residente sa Southern France na dumaraan sa border para mamili ng sigarilyo, pagkain, alkohol at gas dahil mas mura umano ito sa Spain. 

Isinalin sa ulat ng Agence France-Presse

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.