PatrolPH

Ukay-ukay sinugod ng mga mala-‘zombie’ na mamimili

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2022 06:02 AM

Watch more News on iWantTFC
Video mula kay Anna Rose Macadatar

Tila sinugod ng mga zombie ang kakabukas lang na ukay-ukay sa bayan ng Aglayan, Bukidnon. 

Kita sa video ni Anna Rose Macadatar ang maraming customer na nag-uunahan sa mga ukay-ukay na damit.

Kuwento niya sa ABS-CBN News nitong Martes, ganito lagi umano ang eksena linggo-linggo kung may mga bagong dating siya na ukay-ukay mula sa supplier.

"Every time may arrival kasi, napakaraming tao talaga dahil mga bago," ani Macadatar.

Halos "selector" ang mga sumusugod sa bagong dating na ukay-ukay, aniya, dahil ang magaganda at branded na items ay nabebenta ng mahal lalo na ng mga online seller. – Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.