Alagang kabayo inspirasyon ng bagong kantang sinulat ng pangulo ng Turkmenistan

ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2021 11:00 AM

Na-inspire sa panganganak ng kaniyang alagang kabayo, napasulat ng kanta ang pangulo ng Turkmenistan kasama ang kaniyang apo para sa naturang okasyon.

Ayon sa state television noong Marso 24, ang kantang isinulat ni President Gurbanguly Berdymukhamedov ay ibinagay sa musikang inakda ng apo niyang si Kermigul, na dati nang nagsulat ng hit song para sa isang kabayo.

Ang kanta na pinamagatang "My White City Ashgabat" ay pinatugtog sa State Cultural Centre ng Turkmenistan, ayon sa state channel.

Ilang mga singer at dancer ang nag-perform, kasama ang ilang photo ni Berdymukhamedov na nakasakay sa kabayo niya sa background.

Ayon sa state channel, napukaw siya sa naturang batang kabayo dahil ipinanganak ito sa 30th anniversary ng independence ng Turkmenistan at 140th anniversary ng pagtatatag ng kabiserang Ashgabat.

Inspirado din umano siya dahil hinalinhan ito ng sikat na racehorse na si Ak Khan, na alaga rin niya.

Si Berdymukhamedov ay isa sa mga kilalang diktador sa mundo at kilala rin siya sa kaniyang mga engrandeng pagdiriwang.

Hindi sinasangayunan ang political opposition sa Turkmenistan at ang media ay nasa ilalim ng gobyerno.

Noong Pebrero, itinakda niya ang anak niyang si Serdar sa ilang importanteng posisyon sa gobyerno. — Isinalin mula sa ulat ng Agence France Presse

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.