PatrolPH

Nasabat ng pulisya na 'party drugs' sa France, durog na strawberry candy pala

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2021 10:12 AM

Nasabat ng pulisya na 'party drugs' sa France, durog na strawberry candy pala 1
Ayon sa isang source, gawa lang sa durog na candy ang nasabat na party drugs sa isang drug bust operation sa France. Mga larawan mula sa Préfecture de Police at HARIBO Tagada social media pages

Strawberry candy pala ang inakalang party drugs na nasabat ng pulisya sa France sa isang drug operation, ayon sa mga source. 

Nabanggit noong Marso 17 ng Paris police headquarters sa kanilang Twitter page na nagkaroon ito ng "fruitful" na pag-iimbestiga sa umano'y narcotics packaging workshop na nasa loob ng isang apartment sa Saint-Ouen. 

Napag-alamang nagsu-supply umano ito ng droga, partikular na ng MDMA at ecstasy, sa mga party.

Aabot umano sa $1.2 milyon o P58 milyong halaga ng droga ang nasabat ng pulisya noon. Sa tweet, makikitang may mga pink powder at maliliit na pink na pills sa pagawaan. 

Pero sabi ng pulisya sa Agence France-Presse kinabukasan na base sa mga toxicology test ay "neutral" powder at walang kinalaman sa droga o nakalalasong sangkap ang nasabat na powder. 

Sa katunayan, ayon sa isang source, durog na Tagada strawberry candy lang ang nakumpiska sa kanilang drug operation. 

Gawa ng sikat na international confectioner na Haribo ang Tagada strawberry sweets. 

-- Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.