PatrolPH

Dahil sa viral 'offloading': Ilang biyahero nagdala ng diploma sa NAIA immigration

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2023 07:39 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Higit 6 oras bago ang flight papuntang New Zealand, nasa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 na si Krystal Anne Cortez. 

Bitbit niya ang diploma at iba ang tingin niyang posibleng tanungin sa kaniya sa Immigration counter. 

“Nagdala ako ng graduation diploma then mga picture nag-save rin ako ng mga para sa halimbawa tanungin yung partner ko na pupuntahan ko doon. Nagdala ako pictures baka hingan ako doon. Kung anu-ano na ano work mo dito. In case na hingan may ibibigay ako.. readying-ready na," ani Cortez. 

Nasa 12 kaanak pa ang naghatid sa kaniya sa NAIA para kapag nagka-problema sa Immigration, may tutulong sa kaniya. 

Napanood niya kasi ang mga reklamo sa isang social media platform kung saan na-offload umano ang ilang mga pasahero dahil sa haba ng pila sa Immigration o kaya napakarami umanong tanong. 

Ang TikTok video ni Mariel Charmaine Tanteras na hindi nakasakay dahil sa umano'y hindi naaangkop na tanong ang isa sa mga nag-viral sa social media. 

"I graduated 10 years ago na kasi hindi ko na naisip. Who brings a yearbook when they travel? Kung wala kang yearbook, do you have your graduation photo," aniya. 

Ayon sa Bureau of Immigration, iniimbestigahan na nila ang insidente. Hindi rin karaniwang itinatanong ang yearbok ng pasahero. 

Anila, dapat ihanda ng mga pasahero ang passport, return ticket, travel itinerary, overseas employment certificate at valid IDs. 

"May sinusunod sa guidelines ang BI mula sa DOJ kung ano ang mga red flags sa departing passengers. Unang tinitignan ng BI ay ang mga dokumento, gaya ng tiket, pasaporte at mga supporting documents. Kung walang isyu sa dokumento ay walang magiging problema sa BI. Red flag din kung walang return ticket. Maraming kaso na peke ang ipiniprisintang return ticket," ani BI spokesperson Dana Sandoval. 

Nagdo-doble ingat lang umano ang ahensiya sa lumalalang isyu ng human trafficking at illegal recruitment. 

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.