Photo by Roméo A. on Unsplash
TOKYO, Japan - Nagpaumanhin ang presidente ng isang tanyag na bahay-panuluyan sa Japan matapos mapag-alamang dalawang beses kada taon lang magpalit ng tubig sa kanilang hotspring bath.
Dapat pinapalitan kada linggo ang tubig ng hotspring bath kung saan naliligo nang nakahubad ang mga bisita. Hiwalay ang hotspring bath para sa lalake at babae.
Dahil hindi pinapalitan ang tubig, tumaas ang bacteria sa hotspring bath nang mahigit 3,700 beses sa standard limit.
Nag-umpisa ang kapabayaan ng Daimaru Besso inn -- na dati nang pinuntahan ni Japanese emperor Hirohito -- noong Disyembre 2019.
Simula noon, mas lalo nang hindi napapalitan ang tubig sa hotspring bath sa Fukuoka region dahil kakaunti lang ang bisita dahil sa pandemya.
Una nang nalaman ng mga awtoridad na doble na ang lebel ng legionella bacteria sa tubig ng hotspring matapos itong inspeksyonin.
Ayon kay Makoto Yamada, presidente ng kumpanya, nagsumite ang management ng huwad na dokumentong nagpapatunay na linagyan ng chlorine ang tubig.
Nalaman naman sa kasunod na inspeksyon na mahigit 3,700 beses sa standard limit ang legionella bacteria sa tubig ng hotspring bath ng Daimaru Besso inn.
Nagdudulot ng impeksyon sa baga ang legionella bacteria.
Nagkasakit umano ang isang bisita sa Daimaru Besso matapos bumisita.
Nagpaumanhin naman si Yamada sa kapabayaan sa Daimaru Besso dahil hindi inisip ang kalusugan ng kanilang mga bisita. Aniya, hindi napanatiling malinis ang tubig dahil hindi ito nalagyan ng chlorine dahil hindi niya gusto ang amoy nito.
"It was a selfish reason...My understanding of the law has been lax. I was complacent in thinking that legionella bacteria was just an ordinary germ that can be found everywhere," aniya.
Nagbukas ang Daimaru Besso noong 1865 at nakatakdang ipagdiwang ang ika-60 anibersaryo nito.
"I feel sorry for our ancestors," dagdag ni Yamada.
Isinalin sa ulat ng Agence France-Presse
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.