PatrolPH

Halos P4,000 kita ng tindera nginatngat ng mga daga

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2022 03:22 PM

Butas din ang pouch na pinaglagyan ng pera. Retrato mula kay Mary Aga.
Butas din ang pouch na pinaglagyan ng pera. Retrato mula kay Mary Aga.

DAVAO CITY — Halos P4,000 salapi ang natagpuang punit at sira sa lungsod na ito matapos umanong ngatngatin ng mga daga. 

Ibinahagi ng netizen na si Mary Aga sa social media ang video at retrato ng kanyang pera na mayroong punit sa gitna at gilid gawa ng pagngatngat umano ng daga. 

 

Butas din ang pouch na pinaglagyan ng pera.

Aniya, kinita niya ito mula sa kanyang maliit na tindahan at naiwan lamang nang isang gabi sa lamesa.

Ayon naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), maaaring isumite sa kanila ang mga sirang salapi at barya na posibleng palitan.

Sabi ng BSP, dapat 60 percent pa ang naiwan sa surface area ng banknotes, at dapat kita pa ang bahagi ng pirma ng pangulo ng bansa o kaya ng BSP governor. 

Dapat ding intact o buo pa ang security thread ng salapi.

—Ulat ni Hernel Tocmo 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.