PatrolPH

Pison sa Tagaytay, ninakaw umano ng 5 lalaki gamit ang boom truck

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2023 05:12 PM

MAYNILA — Tinangay umano ng mga hindi nakilalang kalalakihan ang isang pison na nakaparada sa Barangay Sungay West, Tagaytay City, Cavite.

Batay sa report ng Tagaytay City police, Miyerkoles ng umaga nang madiskubre ng may-ari ng pison na nawawala ito matapos na iwanan sa isang bakanteng lote noong Martes.

Ayon sa mga nakakita, gumamit ng boom truck ang 5 hindi nakilalang lalaki para makuha umano ang heavy equipment nitong Martes ng gabi.

Tinatayang P1.5 milyon ang halaga ng ninakaw na pison, sabi ng pulisya.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Tagaytay police na inaalam ang pagkakakilalan ng mga salarin at tinutunton kung saan dinala ang pison.

— Ulat ni Ronilo Dagos

IBA PANG ULAT: 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.